cringe to the 10th level.

 

sa mga pagkakataong ito ako ay nakakaramdam ng pagkapahiya na kami ay magkababayan.

ang hindi ko lubos na maunawaan ay kung bakit sa mga ganitong bagay siya nagpapakitang-gilas samantalang napakaraming isyu sa bansa na mas karapat-dapat na bigyang pansin? halimbawa na, ang trapik sa mismong probinsiya namin. simple, makatotohanan at napapanahon, di ba? o dahil kaya hindi na siya residente sa aming bayan kaya di siya nababahala?

sabihin na nating gusto niyang tulungan ang taong ito na nasasangkot sa iskandalong brutal, kung saan ang pagkasira ng puri ng isang pilipina ang sentro ng pag-uusap… naintindihan ko ang puno ng usapin, ngunit hindi ang tila karnabal na prosesong umiiral mula dito. sa tono ng pananalita ng aking kababayan at sa tuwinang magsasalita siya, hindi ko maiwasang maisip na para akong nanonood ng komedya.

napapa-isip tuloy ako minsan kung siya ay napagsasabihan ng kanyang maganda at matiising maybahay?

halimbawa na, ang pagsambit ng salitang “bu-ang” – dapat bang gamitin ito sa mataas na kapulungan sa senado? ang sabihing ang executive session ay hindi gumagamit ng sinumpaang salaysay (sworn statement) at matapos nito’y pabulaan siya ng kapwa niya mambabatas? di ba’t kahiya-hiya? sa himpapawid pa man din narinig ito mula sa kanya. at ito ang matindi: sa gitna ng kanyang panayam sa isang talk show, habang pansin ang kanyang pangangapa sa pagsagot sa mga tanong, pinilit niyang tapusin ito sa madramang paraan kung saan siya ay sanay na sanay. nagtapos ang panayam sa kanyang binitawang salita na:

“wag nating hayaan na kinatay na siya, ay male-lechon pa.” 

WOW parang pelikula. saan galing yun, kabayan?

ngayon ako nanghihinayang sa isang boto kong naibigay sa kanya, sampu ng aking buong pamilya na umasa ng pagbabago kahit sa aming munting bayan.

1  

Advertisements

4 Responses to cringe to the 10th level.

  1. Alby says:

    Totally agree!!! It baffles me how issues that are “sensational” but totally useless to the public get Senate time, while some other relevant matters do not get discussed at all!

    I think showbiz people who get into politics should leave their showbiz lives behind.

    Sister, na-misss ko blog mo. 😀

  2. cookie A. says:

    I agree too!!! di ko tuloy malaman kung saan ako malulungkot sa isyu na iyan. OA na ito!
    hihihi! (peace!)

  3. emsfronda says:

    Napaka marubdub namang sintemyento ito! Nahirapan akong matanto! Ang kapal din, coming from him who has a lot of women on the side too *tsk tsk*!

  4. darkbeloved says:

    Hay, sorry late comment, pero hindi malayong pinag-usapan ito, para hindi gaanong pansinin ang charter change? 😦 Grabe. 😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: